Nasa ₱2.02 bilyon na ang napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa paghagupit ng Super Typhoon 'Karding'  sa malaking bahagi ng Luzon kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban nitong Huwebes.

Aniya, ang nasabing pinsala ay naitala sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan at Quezon.

Sinabi ng ahensya, nakapagtala rin sila ng pinsala sa agricultural sector sa ilang lugar sa Calabarzon (Region 4A), Bicol Region, at Western Visayas.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Naapektuhan aniya nito ang 150,693 ektaryang sakahan at 91,944 na magsasaka at mangingisda sa bansa.

Tiniyak naman ni Panganiban na tinutugunan na ng ahensya ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pamamahagi ng ₱170 milyong halaga ng binhi, ₱23 milyong halaga ng binhing mais at ₱13.5 milyong halaga ng binhing gulay.

Nitong Linggo ng gabi, humagupit ang bagyong 'Karding' na nag-iwan ng matinding pinsala sa malaking bahagi ng Luzon.