Nagulat ang mga kaibigang celebrity at followers ng sikat na online personality na si "Mimiyuuuh" matapos niyang ibahagi ang kaniyang "pa-straight guy" look sa kaniyang Instagram account, malayo sa kaniyang hitsura at imahe.

Ibinida ni Mimiyuuuh ang kaniyang hair treatment mula sa isang salon, at wala ni isang bahid ng kolorete sa kaniyang mukha, nang iharap niya ito sa publiko.

"Tago n'yo muna mga girlfriends n'yo mga lodi! Baka retri gods ‘to," aniya sa caption.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Umani ng reactions at komento ang post niya mula sa kapwa celebs gaya nina Bea Alonzo, Michele Gumabao, Chie Filomeno, at Sassa Gurl. Inireto pa siya kay volleyball superstar Alyssa Valdez.

Inakala ng marami na "magbabalik-loob" na siya, subalit ang mga sumunod na IG posts niya ay balik na siya ulit sa dati.