Halos ₱30 milyong ayuda ang napamahagi na sa mga nasalanta ng Super Typhoon 'Karding' kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes.

Sa isang television interview, sinabi ni DSWD Spokesman, Assistant Secretary Romel Lopez, nasa ₱29.6 milyon na ang naipaabot na nila sa mga LGU (local government unit) na hinagupit ng bagyo nitong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw.

“Yung nabanggit po ni Sir Erwin (Tulfo) kahapon na28 million nadagdagan na po 'yan, nasa₱29.6 million na po 'yungnaipamamahagingtulong po ng DSWD, and then katuwang po natin siyempre dito 'yung LGS tsaka ilan

“Ang atin pong napapansin as we go along the way ay medyo pumapasok pa po 'yung mga karagdagang datos po ng mga damages, halimbawa po, 'yung mga bahay po na napinsala ng pananalasa po ng Super Typhoon 'Karding', nag-increase po ito exponentially," aniya.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

“Sa atin pong datos, eh mga nasa 11,000 po ito, almost 12,000 po, kasi ang totally damaged po ay 1,908 sa aming datos, 'yung partially damaged po ay 10,000 mahigit po,” aniya.

Aniya, maraming bahay ang nasira sa Calabarzon (Region 4A), Region 2, at Region 3.

Matindi aniya ang naging pinsala ng bagyo saRegion 1, Region 2, Region 3, Calabarzon, Region 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pagdidiin nito, maaari silang humingi ng dagdag na budget sa Department of Budget and Management (DBM) sakaling kulangin ang kanilang pondo para sa ayuda.