Nagpasalamat si Atty. Leni Robredo sa naging kontribusyon ng mga fans ng "Drag Race Philippines" contestant na si Precious Paula Nicole sa Angat Buhay.

"Sobrang pasasalamat sa kanyang fans dahil sa contribution na binigay para sa ating mga tinutulungan ng communities. Ang request niya ay mapunta sa livelihood ng mga kababayan. Kaya po lahat ng fans niya na nagcontribute, sobrang salamat from the bottom of our hearts," ani Robredo sa kanyang Facebook live nitong Huwebes, Setyembre 29.

Nagpakita rin sa naturang live si Precious Paula Nicole at tila kinikilig habang kasama ang dating bise presidente.

"Salamat Precious, salamat sa fans ni Precious. Hindi n'yo alam na because of your contribution ang daming buhay na mababago nito. Kaya maraming maraming salamat," dagdag pa ni Robredo. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University