Nag-alok na ng calamity loan at tatlong buwan na advance pension ang Social Security System (SSS) para sa mga miyembro at pensyonadong naapektuhan ng Super Typhoon 'Karding' kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi niSSS president, Chief Executive Officer Michael Regino na kabilang sa iniaalok nilang dalawang programa angCalamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro, at Three-Month Advance Pension for Social Security (SS) and Employees’ Compensation (EC) pensioners.

Sa ilalim ng CLAP, maaaring i-loan ng mga miyembro ang katumbas ng kanilang normal na monthly salary credit sa nakalipas na 12 na buwan o halaga ng kanilang inaaplayan.

Ang ibibigay namang tatlong buwang advance pension para sa mga pensyonado ay ibabatay naman sa kanilang buwanang pensyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“In response to the devastation brought about by Super Typhoon Karding, we will offer these two programs in the areas to be declared under a state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),” sabi ni Regino.

“We are finalizing the guidelines for these programs, and we shall release them through our website and social media channels once available,” aniya.

Gayunman, nanawagan si Regino sa mga miyembro na magrehistro muna sa My.SSS Portal ng SSS website upang makapag-apply sa nasabing programa.

Sa datos ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 640,963 na indibidwal o 176,337 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo saIlocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon (Region 4A), Mimaropa (Region 4B), Bicol, at Cordillera.