Ang Idol Philippines Season 2 grand champion na si Khimo Gumatay ang personal na tumanggap sa parangal nitong Martes, Setyembre 27.

Kinilala ang programa bilang Outstanding Music Reality Show of the Year matapos ang mahigit tatlong buwang pagbabalik nito sa ere.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Kinilala rin ng award-giving body ang girl group na BINI bilang “Outstanding Female Group of the Year” habang inuwi naman ng grupong BGYO ang parangal na “Outstanding Boy Group of the Year.”

Ginawaran din bilang “Inspiring TV Network of the Year” ang Eagle Broadcasting Company o mas kilala bilang Net 25.

Ilan pang personalidad sa kani-kanilang larangan ang tumanggap ng parangal.

Present din sa event ang world-class shadow performer na “El Gamma Penumbra.”

Naganap ang ikalawang Diamond Excellence Awards sa Okada Manila.