CEBU CITY — Arestado ang isang lalaki at ang kanyang live-in partner at nahaharap sa kasong frustrated parricide dahil sa umano'y pambubugbog sa kanilang isang taong gulang na anak sa kanilang bahay sa bayan ng Compostela, hilagang Cebu noong Biyernes, Setyembre 23.

Kinilala ng Consolacion police ang mga suspek na sina William Valiente at ang live-in partner nitong si Brigilda Dacua.

Sinabi ng pulisya na inamin ng mag-asawa na nasa impluwensya sila ng iligal na droga nang maganap ang umano'y pang-aabuso dakong alas-11 ng gabi noong Biyernes.

Sinabi ng pulisya na ang nakababatang kapatid na babae ng lalaki ay nag-ulat sa pulisya na ang mag-asawa ay magkahalili sa pagbugbog sa bata.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagtago ang mag-asawa matapos ireport sa pulisya ang insidente.

Sinabi ng Consolacion police na inaresto si Valiente sa Carbon Public Market kasunod ng agresibo at tuloy-tuloy na hot pursuit operation noong Lunes, Setyembre 26.

Ang pag-aresto kay Valiente ay humantong sa pag-aresto kay Dacua, sabi ng pulisya.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagalit ang mag-asawa nang umiyak ang bata na humihingi ng gatas.

Nakakulong ngayon ang mag-asawa sa Compostela Police Station.

Calvin Cordova