Posibleng tumaas ang presyo ng imported na karne sa bansa sa gitna ng epekto ng African swine fever (ASF) sa bansa.

"For the past months talagang mas mababa 'yung imported price, so kung tumaas man 'yan aypapantaylang sa local price ang imported kasim na nasa₱240, ang local umaabot ng₱270 so 'pag umabot 'yan ng₱300 tutumal na naman ang lokal," pahayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura president Rosendo So nang kapanayamin sa telebisyon nitongSabado.

Sinabi naman ng Department of Agriculture (DA), kasalukuyang nasa₱280 kada kilo ng kasim at₱370 per kilo naman sa liempo sa mga pamilihan sa Metro Manila at sa iba pang karatig-lugar.

Matatandaang nagbanta ang grupo ng mga magbababoy sa bansa na magtataas sila ng presyo dahil din sa epekto ng ASF, pagtaas ng presyo ng agricultural inputs at paghina ng piso kontra dolyar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Posible anilang aabot sa ₱20 ang ipapatong na dagdag-presyo sa kanilang produkto bago sumapit ang Disyembre.