Binalaan na ng gobyerno ang mga residente sa siyam na lugar sa Isabela at Ifugao sa inaasahang pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam na resulta ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong 'Karding.'

Bubuksan ng dam ang isa sa kanilang floodgate ngayong Sabado kung saan inaasahang magpapaapawito ng 200 cubic meters per second (cms), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Hydrological Division.

Inaasahang maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng water reservoir ang Alfonso Lista sa Ifugao atRamon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa Isabela.

Sinabi ng PAGASA, nasa 187.70 meters ang water level ng dam nitong Setyembre 24 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inabisuhan na rin ng ahensya ang local disaster risk reduction and management office sa mga tinukoy na lugar na gumawa na ng hakbang sa inaasahang pagbaha.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 805 kilometro sa silangan ng northern Luzon, dala ang malakas na hanging 85 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 105 kph.

ReplyForward