Puring-puri ni Manay Lolit Solis si Senador Bong Revilla sa kanyang latest Instagram post.

Sa naturang post, tila inilarawan ni Lolit ang katangian at ugali ng senador. 

"Dedicated ko kay Bong Revilla itong post kong ito, Salve. Sasabihin ko na sa mga alaga ko, siguro si Bong Revilla ang talagang pumalit sa puwesto ni Gabby Concepcion nuon na parang anak ko talaga," paunang sabi niya nitong Sabado, Setyembre 24, isang araw bago ang kaarawan ni Revilla.

"Kahit ano pa sabihin ng mga bashers, isa si Bong sa pinaka mabait at pinaka malambot ang puso. Madali siyang maawa, madaling mapasaya, hindi nang iiwan ng kasama, at higit sa lahat talagang maasahan mo. Honest siya, itanong mo ang isang bagay, sasagutin niya, makikiusap lang siya na kung puwede huwag ng palakihin," paglalarawan ni Manay. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Good provider at dependable family man. Tinitiyak niya na maganda ang katayuan ng pamilya niya. Idol siya ng mga anak niya, kaya naman hindi nakapagtataka na gusto ng mga ito na kung ano ang ginagawa ni Bong iyon ang sinusundan nila," dagdag pa niya.

Kuwento pa ng batikang showbiz columnist na mahal daw ng Diyos si Revilla dahil halos lahat daw ng pangarap nito ay natupad mula sa showbiz hanggang politika. 

"Patunay ng pagiging masuwerte ni Bong Revilla na isa siya sa top star ng showbiz, at ngayon ay matagumpay na pulitiko. Sabi nga, pinagpapala ng langit ang isang tao basta mabait at tapat siya, kaya siguro suwerte si Bong Revilla. Mahal siya ng nasa Itaas dahil halos lahat ng pangarap niya natutupad.

"Si Bong Revilla ang isang tao na maniniwala ako who will take a bullet for somebody na mahal niya. Generous siya to a fault dahil kahit sino humingi basta kaya niya, bibigyan niya. Imposible na hindi mo mahalin ang isang Bong Revilla pag nakasama mo siya, dahil napakabait niyang ka trabaho.

"Hindi siya ang tipo na nang aagaw ng eksena. Bilang artista, top of the line siya, as producer, very fair siya , bilang pulitiko, maasahan siya, pero ang pinaka importante, as a person, ipagmamalaki at igagalang mo siya. Bong Revilla is a gem bilang kaibigan kaya isa siya sa pinaka mahal among our stars," paglalahad pa ni Manay.

Wala rin daw halong inggit sa katawan ang senador talagang matatag umano ang confidence nito kaya naman focus talaga ito sa mga gusto niyang gawin. 

Isa raw si Manay sa mga masuwerteng tao na parte ng buhay ni Revilla, "I love Bong Revilla, and I consider myself to be lucky na kabilang ako sa mga mahal niyang tao. Forever thankful ako sa friendship at trust niya, kaya sa kanyang birthday, isa lang masasabi ko, I Salute You Bong Revilla, you're such a braveheart, a kind person, a loving family man. Be happy and strong forever. Happy Birthday."

Matatandaang ang senador ang nagbayad ng hospital bills ni Lolit nang sinugod siya sa ospital. 

Napag-alaman daw niyang na wala na siyang babayaran, dahil binayaran na nga raw ng senador na lagi rin niyang ipinagtatanggol at pinupuri sa kabila ng mga kinasangkutang kontrobersya.

Nalaman pa niyang kinausap daw ng senador ang pamunuan ng ospital at sinabihang ibigay ang lahat ng kaniyang mga kailangan, at ito na raw ang bahala sa mga gastusin.

“Iyon talagang kung meron lang siyang magagawa para gumaling ako gagawin niya talaga. Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/i-will-take-a-bullet-for-bong-anytime-hospital-bills-ni-lolit-binayaran-ni-sen-bong-revilla/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/02/i-will-take-a-bullet-for-bong-anytime-hospital-bills-ni-lolit-binayaran-ni-sen-bong-revilla/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/09/01/lolit-solis-kay-bong-revilla-isa-ka-sa-mag-aalaga-sa-akin-kaya-ako-dapat-mauna-sa-iyo/