Isinailalim na sa Signal No. 2 ang Isabela at Aurora at itinaas naman sa Signal No. 1 ang 30 pang lugar sa bansa bunsod ng bagyong 'Karding.'

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), partikular na itinaas sa Signal No. 2 ang Dinapigue na nasa southern portion ng Isabela, at northern portion ng Aurora na kinabibilangan ng Dinalungan, Casiguran, Dilasag at Polillo Islands.

Kabilang naman sa inilagay sa Signal No. 1 ang Southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal), nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Conner na nasa Southern portion ng Apayao; Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Southern portion ng Ilocos Norte na kinabibilangan ng Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, at Marcos, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Northern at central portion ng Quezon (Tagkawayan, Lopez, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, City of Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Atimonan, Plaridel, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Lucena City, General Nakar, Real, Infanta), Rizal, Laguna, Cavite, Northern portion ng Batangas (Malvar, Balete, City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Laurel), Camarines Norte, Northern at eastern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose), at Northern portion ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).

Huling namataan ang bagyo 660 kilometro ng silangan timog silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan, taglay ang lakas ng hanging 100 kilometers per hour (kph) at bugso na hanggang 125 kph.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 25 kph.

Ang bagyo ay inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, northern portion ng Aurora, Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur simula sa Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw.

Makararanas naman ng matinding pag-ulan sa southern portion ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, at northern portion ng Zambales simula Linggo hanggang Lunes.