Naipamahagina ng gobyerno ang aabot sa₱1.3 bilyong educational cash assistance para sa mahihirap na estudyante.

Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Romel Lopez, ang naturang halaga ay bahagi ng₱1.5 bilyong nakalaan para sa nabanggit na programa.

Matatandaanginihayag ng ahensya na isinara na nila ang online application para sa programa dahil sa dami ng ang-apply sa kabila ng limitadong budget.

Kamakailan, isinapubliko ng DSWD na hanggang Setyembre 24 lamang ang pamamahagi ng cash assistance.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Wala pa rin aniyang abiso kung palalawigin pa ang programa dahil wala pa umanong sapat na pondo.

Sa ilalim ng programa, ang mahihirap na estudyante sa kolehiyo ay tatanggap ng₱4,000,₱3,000 naman para sa bawat senior high school student,₱2,000 para sa mga high school student at₱1,000 para sa mga elementary pupil.