Napanatili pa rin ng bagyong 'Karding' ang lakas nito habang papalapit sa northern Luzon nitong Biyernes, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 1,085 kilometro sa silangan ng northern Luzon taglay ang lakas ng hanging 65 kilometer per hour (kph) at bugso na 80 kph.

"The most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No. 2. However, the potential for hoisting a Wind Signal No.3 is not ruled out at this time," ayon sa abiso ng ahensya.

Inaasahang mararanasan ang katamtaman hanggang matinding pag-ulan sa Batanes, Cagayan, at Isabela simula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa Linggo hanggang Lunes ng umaga, posibleng maranasan ang matindi ring pag-ulan sa Cordillera, Cagayan, Isabela, Ilocos, at La Union provinces.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa northern portion nig Aurora at ilang parte ng Ilocos Region at Cagayan Valley.

"Under these conditions, isolated to scattered flooding and rain-induced landslides are possible," babala ng PAGASA.

Inaasahan ding hahagupit ang bagyo sa northern Luzon sa Linggo at lalabas na ito sa Philippine area of responsibility sa Lunes.