Tila hindi na nakapagtimpi ang singer-actor na si Janno Gibbs sa maanghang na komento ng isang netizen tungkol sa naging banat niya sa salitang "confidential."
Sa isang Instagram post noong Miyerkules, Setyembre 21, ibinahagi ni Janno ang ilang screenshots na usapan nila ng kanyang basher.
"HOY KUPAL KA NMAN HANEP SA PATAMA MO KAY VP SARAH... HINDI KAMI BOBO PARA DI ITO MA-NOTICE.. BAKIT SA SOBRANG PANISAN MO NA KAILANGAN MO NANG PR OR PROPAGANDA PARA MAKILALA KA ULIT ULOL !!! HOY BUGOK NAGTATANONG KA PA SA CONFIDENTIAL FUNDS TARANTADO... FIRST OF ALL VP SARAH IS NOT CORRUPT LIKE YOU LIBERAL SH1THEAD PIGS !!!! WE TRUST HER KAYA NGA SHE HAS 32 MILLION VOTES AT YUNG IDOL..." komento ng netizen.
Sagot naman ng aktor, "Hoy pukinanginamo! Unang-una wag kang bastos! Pangalawa, pera ng taumbayan yun. May karapatan tayo malaman saan mapupunta gago!"
Tila hindi pa rin tumigil ang netizen, "LET ME ASK YOH THIS ... BAKIT DI MO BINATIKOS SI PNOY ABNOY AQUINO AT MARIMAR REHAS KUNG NASAAN YUNG YOLANDA FUNDS ?????????? AHH GAGO !!!! TANG INA MO KUNG MAKABATIKOS KA AKALA MO NAPAKALINIS INYO !!!! KAYONG MGA PINK ABNORMAL AY PURO HYPOCRITE !!!! KUNG AYAW MO KAY PBBM AND VP SARA THEN UMAYAS KA PINAS PARA MABAWASAN NG MGA PINK ABNORMALS SA PINAS !!!! LIBERAL, AQUINOS, AT OLIGARKO ANG MGA TUNAY NA SALOT AT DEMONYO SA PINAS..."
"Dahil wala pang ig noon, ulol" pabalik na sabi ni Janno.
Matatandaan na sa isang deleted Instagram post, may banat ang aktor sa salitang "confidential."
“Pag nag-withdraw ako ng 100K sa bangko at tinanong ako ni misis, ‘para saan yan?’ at sinagot ko ng ‘confidential’ basag ang mukha ko,” saad niya sa isang pubmat na ipinost niya sa Instagram kamakailan.
Sa caption naman ay may nakalagay lamang na #confidential.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/janno-gibbs-may-banat-sa-salitang-confidential/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/19/janno-gibbs-may-banat-sa-salitang-confidential/
Samantala, nagkomento rin sa naturang Instagram post ni Janno ang talent manager na si Ogie Diaz.
"Hahaha! Buti me tiyaga kang sumagot, no? Hahaha!" aniya.
Reply naman ng aktor, "@ogie_diaz Pag ganito kabastos, oo!"
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/09/13/ogie-diaz-may-ispluk-ukol-sa-mga-paid-trolls-yung-iba-di-pa-nakakasuweldo/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/13/ogie-diaz-may-ispluk-ukol-sa-mga-paid-trolls-yung-iba-di-pa-nakakasuweldo/