Magpapa-raffle ng dalawang brand new car si Senador Bong Revilla para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Linggo, Setyembre 25.

“Handog natin yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon. Mamimigay tayo ng dalawang kotse. Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko," sabi ni Revilla sa isang birthday lunch kasama ang mga miyembro ng entertainment press sa Quezon City noong Huwebes, Setyembre 22.

Sinabi rin niya na ang birthday giveaway, na tinaguriang 'Alyas Pogi Birthday Giveaway,' ay mamimigay din ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes  (P100,000, P50,000, P20,000, and P10,000) habang limang daang avid watchers ang mananalo ng tig-P1000.

Ang kaganapan ay i-stream sa pamamagitan ng Facebook live.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Saad pa ng senador, ang event ay pasasalamat din para sa good health at mga blessings na tinatamasa niya at ng kanyang pamilya.

“Hindi maiiwasan na may mga bashers pa rin. Hindi na natin maiaalis yan dahill kakambal na natin yan. Meron talagang mga tao na walang magawa so hayaan na lang natin,” aniya. “Mag-bash sila hanggang gusto nila basta hindi tayo titigil sa pagtulong sa ating mga kababayan.”

“Hindi na ako naaapektuhan ng bashing. Lalo lang tayong pumopogi."

Robert Requintana