Ibinasura ng Manila City Regional Trial Court (RTC) ang isinampangkaso ng gobyerno na humihiling na ideklara ang Communist Party of the Philippines at New People's Army (NPA) bilang terrorist group.
Sa desisyon ni Manila RTC Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar, napatunayan sa kanilang paghimay na maayos ang programa ng CPP-NPA na ang layunin ay hindi para maghasik ng terorismo.
“[W]hile ‘armed struggle’ with the ‘violence’ that necessarily accompanies it, is indubitably the approved ‘means’ to achieve the CPP-NPA’s purpose, ‘means’ is not synonymous with ‘purpose,” ayon sa resolusyon ng korte na may petsangSetyembre 21, 2022.
“Stated otherwise, ‘armed struggle' is only a ‘means’ to achieve the CPP’s purpose; it is not the ‘purpose’ of the creation of the CPP,” ayon sa ruling ng korte.
Ang naturang proscription case ay isinampa ng Department of Justice sa hukuman noong 2018 upang hilinging ideklara ang CPP-NPA bilang terror group alinsunod na rin sa Section 17 ng Human Security Act (HSA) of 2007.
Sa ilalim ng HSA, ang terorismo ay pagsasagawa ng hakbang katulad ng paghahasik ng takot sa taumbayan upang mapilitan ang pamahalaan na ibigay ang hindi naayonsa batas na kahilingan ng grupo.
Nauna nang inihayag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na pag-aaralan muna nila ang desisyon ng hukuman bago sila gumawa ng panibagong hakbang sa usapin.