Nakahanda na ang gobyerno na ipa-deport ang 280 illegal na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

“We’re ready to deport, I think, 280 people by now. Meron na kaming in custody. We are scheduled to catch more people. Eh, ang problema lang talaga dito ‘yung protocol natin kasi nga we have to calibrate it,” pahayag ni Remulla sa panayam sa radyo.

Kamakailan, inihayag ng opisyal na makikipagpulong siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian hinggil sa usapin.

Sinabi naman ni DOJ Spokesperson Mico Clavano, nakatakda ang pagpupulong nina Remulla at Xilian sa Huwebes.

Principal sa Antique, pinatalsik na sa pwesto matapos ang viral toga incident

"He will meet with the Chinese ambassador tomorrow afternoon to speak about the canceled POGO companies as listed by Pagcor," lahad ni Clavano nitong Miyerkules.

Nauna nang isinapubliko ni Remulla na mayroong 216 na kumpanya ng POGO ang huminto na sa pagbabayad ng buwis.

Sa pagtaya nito, nasa 400,000 na empleyado ng POGO ang illegal na nananatili sa bansa.