Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Arestado ang isang lalaki matapos pumasok sa isang Christian church at ninakaw ang mga gadgets at iba pang gamit sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ng Cross Over Christian Ministry Church pastor na si Lawrence Reyes Tagao ang suspek na si Samuel Lorenzana, residente ng Bulacan.

Tinangay ni Lorenzana ang Lenovo laptop na may halagang P20,000, Redmi na cellphone na may halagang P10,000, at drawing tablet na may halagang P8,000.

Napag-alamang si Lorenzana at kanyang mga kasamahan ay responsable rin sa pagnanakaw sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa San Jose del Monte na kung saan nakuha nila ang video camera na nagkakahalagang P20,000, isang unit ng projector na may halagang P15,000 at walong medallion na may gem gold na may halagang P8,000.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Narekober ng operating team ang lahat ng ninakaw na gamit at improvised na baril habang nakatakas ang dalawang hindi pa nakikilang suspek noong Setyembre 18.