Nananatiling mas mababa pa sa minimum operating level ang imbak na tubig ng Angat Dam sa kabila ng paminsan-minsang pag-ulan sa mga nakaraang araw.

Ang nasabing dam ay nagsu-supply sa tinatayang 97 porsyentong pangangailangang sa tubig ng mga residente ng Metro Manila.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 176.16 metro pa rin ang lebel ng tubig ng dam, mas malayo sa minimum operating level nito na 180 metro.

Binanggit ng ahensya, mas malayo ito sa normal na taas ng water level ng dam na 210 metro.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aminado ang PAGASA na hindi pa rin sapat ang ilang araw na pag-ulan upang punan ang kakulangan ng tubig ng water reservoir.

Dahil dito, nanawagan ang ahensya sa publiko na magtipid o huwag mag-aksaya ng tubig hangga't kaya pang masuplayan ng dam ang pangangailangan ng mga ito.