Kinasuhan ang dalawang abogado ng National Irrigation Administration (NIA) matapos umanong ipatalo ang kaso laban sa isang construction company na nagresulta sa pagmumulta ng ahensya na aabot sa₱205 milyon kamakailan.

Ito ang inihayag ni NIA Administrator Benny Antiporda at tinukoy sina Legal Services acting manager Atty. Lloyd Cudal at Atty. Mary Annabelle Cruz-Domingo na kabilang sa kanilang kinasuhan ng kriminal at administratibo.

Pinansin ni Antiporda ang umano'y“gross inexcusable negligence” nina Cudal at Cruz-Domingo kaya natalo sila sa kaso sa Construction Industry Arbitration Commission (CIAC) laban saGreen Asia Construction Development Corporation (GACDC).

"This is the Green Asia Case, wherein NIA just lost₱205 million,natalo po tayo dahil lang satechnicality," giit ni Antiporda.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nag-ugat ang kaso sa naantalang 22 kilometrong proyektong irrigation canal at pagpapatayo ng mga steel gate mula Nueva Ecija hanggang Bulacan noong 2016.

“Such case could have been avoided if they performed their tasks and duties with devotion, utmost diligence, and good faith. The said damage is unduly suffered by the government and, ultimately, by the taxpayers – an injustice to the Filipino people,” ayon sa pahayag ni Antiporda.

Aniya, isinampa ang kaso laban sa dalawang abogado dahil sa umano'y ipinakita nilang“gross ignorance of the law" sa sinasabing pagtanggi ni Cudal na humarap sa pagdinig bilang testigo.

“Worse, Atty. Cudal advised the filing of a Motion for Reconsideration, which was denied for being a prohibited pleading, leading to the expiration of the period to file an appeal,” anito.

Idinagdag pa ng opisyal na mali rin umano ang hakbang si Cruz-Domingo nang maghain ng petition for certiorari sa halip na petition for review.

Noong 2020, ipinasyangi-terminate ang kontrata ng proyekto kasunod ng desisyon ng CIAC na pumapabor sa GACDC.

PNA