Binigyang-pugay ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona ang mga sekyu o security guards, na aniya ay mas dapat makasama sa mga groupie o selfie, ayon sa kaniyang Instagram story.

Makikitang nakipag-selfie si Maxene sa ilang mga sekyu na humiling na magpa-picture sa kaniya.

Para kay Maxene, siya ang dapat magpa-picture sa kanila.

"Kami ang dapat nagpapa-picture sa inyo. Maraming salamat sa serbisyo. God bless your kind and honest work," mababasa sa kaniyang text caption.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa IG/Maxene Magalona

Sa kaniyang Instagram post naman, may quote card siya tungkol sa pagpapakita ng kabutihan sa lahat.

"Love them where they are," aniya.