Kapansin-pansin ang natural na saya ni Moira Dela Torre habang kinakanta ang isa na namang hit song na “Babalik Sa’yo” dahilan para muling maintriga ng netizen ang singer-songwriter ukol sa dating asawa.

Nitong Lunes, nagpasalamat si Moira sa fans sa patuloy na pagsuporta sa kaniyang mga kanta.

Nanguna rin kasi kamakailan sa music charts ang isa sa mga theme songs ng “2 Good 2 Be True” na “Babalik Sa’yo” bukod sa nauna nang pagsabog ng kantang “Kumpas” sa internet.

“Thank u for all the love uv given babalik sayo and for making it no. 2 on the charts!! ly guys,🥹” mababasasa Facebook post ng singer.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Dahil sa makikitang glow ni Moira sa isang TikTok content habang kinakanta ang “Babalik Sa’yo,” isang netizen naman ang iniugnay ito sa umano’y comeback ng singer sa dating asawa.

“Is this a sign of their love reconciliation?” tanong ng netizen sa Facebook.

Tipid at direktang saad naman ni Moira: “nope.”

Paglilinaw din ng singer sa post, "Kanta lang 'to, 'wag marupok."

Tila wala na ngang balikang magaganap sa pagitan ni Moira at dating asawang si Jason Hernandez.

Sa trending na kanta ni Jason na “Ako Na Lang,” dito ibinuhos ng musikero ang tila pagsisisi sa nagawang kasalanan at pagkukulang sa pagsasama nila ng singer.

Basahin: Kantang ‘Ako Na Lang’ ni Jason Hernandez, para kay Moira? Netizens, ayaw pakumbinsi – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Malinaw na inilahad din ni Jason sa kanta na siya na lang ang may gustong maayos pa ang kanilang relasyon ni Moira.

Noong Mayo nang ianunsyo ng musician couple ang kanilang pinag-usapang hiwalayan.

Basahin: ‘Let Moira breathe’: Netizens, kaniya-kaniyang hugot sa trending na kanta ni Jason Marvin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid