Matapos ang pinag-usapang payo ni Vice Ganda sa pinakabagong Idol Philippines grand winner, nakatitiyak naman ang Sparkle GMA Artist Center na lalo pang magniningning ang karera ng unang grand champion na si Zephanie Dimaranan.

Ito ang tila paalala ng Sparkle sa young singer sa isang Facebook post, Lunes.

“#Zephanie is sparkling!✨ And there's no doubt in our minds that she will shine even brighter in the future,” mababasa sa social media post ng artist center.

Ito’y kasunod ng usap-usapang saad ni Vice Ganda na sana manatili muna sa network ang susunod na grand winner ng kompetisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: Vice Ganda sa bagong Idol PH grand winner: ‘Sana mag-stay ka muna sa network’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maalalang ngayong taon ay lumipat na sa GMA Network si Zephanie matapos lang ang mahigit dalawang taon.

Dahil dito, agad na nag-trend si Vice Ganda at Zephanie, Linggo ng gabi, kasunod ng pagresbak ng fans ng Kapuso singer laban sa tila pagpaparinig umano ng Kapamilya star.

Basahin: Mga tagahanga ni Zephanie, rumesbak sa pabirong hirit ni Vice Ganda sa susunod na Idol PH winner – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang kinilala ni Zephanie na malaking bahagi ng tinatamasang karera ang kaniyang Idol experience noong 2019.

“Masayang-masaya po ako na naging part ‘yun ng life ko and‘yun po ‘yung isa sa mga reason na nagde-describe kung sino po ako ngayon,” ani Zephanie sa kamakailang media conference.

“I am who I am today because of what I’ve experienced before,” dagdag niya.

Basahin: Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid