Ibinahagi ni Roxanne Barcelo sa kaniyang mga "badidap" na may second baby na sila ng non-showbiz husband na si Jiggs, ayon sa kaniyang latest vlog.

Matapos ang kanilang food trip sa Taiwan ay kaswal na sinabi ni Roxanne na nag-eexpect sila ng pangalawang anghel sa kanilang buhay.

Sa kaniyang Instagram posts naman ay marami ang natuwa sa kanilang family photo, na kuha ng Nice Print Photography.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen para kay Roxanne dahil siya raw ay "Babaeng Pinagpala", lalo na sa kaniyang mister na parang nakikita lamang daw sa mga cover o pabalat ng isang sikat na pocketbooks.

Nakakaloka ang sey ng mga netizen na hindi raw nila masisisi ang aktres kung nagdadalantao ito ulit, dahil napakaguwapo ng mister nito.

"Roxanne! Kung ganyan ba naman kaguwapo ang asawa ko, magpapalahi talaga ako!"

"Kung ganyan ka gwapo at ganda sige lang more and more babies, Congrats!"

"Luh, grabe sobrang gwafoh nmn ng asawa nya.. qng gnyan tlga ka gwafoh asawa potek bka isang dosena maging anak q.. hahahaha."

"Kung ganito ka-gwapo kahit every year buntis."

"Sus kung ganyan man lang kagandang lahi yung asawa mo talaga… kahit kakapanganak mo lang, G agad para masundan hehehe."

"Pag ganito siguro kaguwapo ang maging asawa ko, bahala na diyan kahit isang dosena pa magpalahi talaga ako…"

Ikinasal sina Roxanne at Jiggs na isang Amerikano noong Nobyembre 2019 sa isang simpleng seremonya sa Pasay City. Isinilang ni Roxanne ang kanilang panganay noong Mayo 2021.