Sa pagbabalik ng ikalawang episode ng isang YouTube series, diretsahang inamin ni Kapamilya young actor Markus Paterson na mas type niyang makarelasyon ang isang “morena na island girl.”

“Para sa akin kasi, ang trip ko, ‘yung type ko kasi morena na island girl. Yung British ko kasi na ex, blonde hair [and] blue eyes. Pero she’s Greek, so tan siya,” pagbabahagi ni Markus sa latest “Boys After Dark” episode nang mapag-usapan ang tungkol sa first love.

Kung British o Pilipina ang gugustuhin niyang susunod na girlfriend, kumpiyansang sagot ni Markus: "Pinay talaga."

Tampok pa rin sa serye kasama ni Markus ang kapwa Rise talents na sina  Anthony Jennings, Aljon Mendoza, Gello Marquez at Jae Miranda.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dito, naibahagi rin ng aktor na bago lumipad ng Pilipinas, may three-year relationship din siyang tinawag na “high school love.”

Long distance naman ang naging rason ng kanilang paghihiwalay.

“High school love, three years. Lumipat ako dito. Di ko kaya ang long distance. Pagbalik ko may bago na, pero carry lang kasi noong pagbalik ko, mas guwapo rin ako, eh. May bago rin ako,” saad lang ng aktor.

No filter din na inamin ng aktor ang pakikipag-explore niya sa ilang relasyong sekswal na aniya’y dala rin ng nakagisnang tradisyon sa United Kingdom.

Basahin: Maanghang na realization ni Markus Paterson: ‘Never f*cking date someone in the industry’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa pilot episode ng naturang serye, matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag ni Markus kaugnay ng pakikipag-date sa kapwa artista.

Matapos depensahan ng netizens ang huling nakarelasyon ng aktor si Janella Salvador ay naiwan ding nagpaliwanag ang aktor ukol sa isyu.

Basahin: Markus, nagsalita na ukol sa naging pahayag niya: ‘it wasn’t actually about her’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid