Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok sa bansa ang ika-10 bagyo ngayong Setyembre 16 ng umaga.

Sa abiso ng PAGASA, kumikilos pa rin sa labas ng bansa ang malakas na bagyong may international name na Nanmadol.

Sinabi ng ahensya na tinatahak pa rin ng bagyo ang kanluran-hilagang kanluran ng Pilipinas bago tuluyang pumasok sa Pilipinas.

“This tropical cyclone is also expected to exit the PAR region tomorrow evening or on Saturday early morning,” ayon sa PAGASA.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Further intensification is forecast to occur throughout the forecast period. A peak intensity of 155 kilometer per hour may be reached on Saturday,” anang PAGASA.

Paglilinaw ng PAGASA, hindi ito makaaapektosa alinmang bahagi ng bansa ang bagyo kapag tuluyan nang pumasok sa bansa.

Huling namataan ang bagyo 1,600 kilometro sa silangan-hilagang silangan sa dulong northern Luzon, taglay ang hanging120 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 150 kph.

Kapag tuluyang nakapasok sa bansa, tatawagin itong 'Josie.'