SAN CARLOS CITY, Pangasinan -- Humingi ng paumanhin ang Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa isang konsyumer na sinisingil nila ng P1.4 million.

Sa isang pahayag na inilabas ng CENPELCO noong Biyernes, sinabi nito na ang P1.4 million pesos electric bill ng isang konsyumer sa Aguilar ay isang meter reading error.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang maling nai-input na data ng pagbabasa para sa September 2022 bill na nagkakahalaga ng Php 1,473,533.36 ay iniakma sa Php 1,334.43, at ito ay naihatid na sa consumer.

Sinabi ng pamunuan na ang insidenteng ito ay isolated at puro human error.

Napansin ng CENPELCO na ang Meter Reader at walang intensyon na linlangin ang mamimili.