Papasok na sa Pilipinas ang isa pang bagyo sa loob ng 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.

Sa abiso ng PAGASA, inaasahang didiretso na sa Pilipinas ang bagyong may international name na 'Nanmadol' ngayong gabi, Setyembre 15.

Sa kasalukuyan, posibleng paigtingin ng nasabing bagyong nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR) ang southwest monsoon (habagat) na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sakaling makapasok sa bansa, papangalanan itong'Josie' na ika-10 bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ng PAGASA na apektado rin ng habagat angwestern section ng Central Luzon at Southern Tagalog, gayundin ang Visayas.

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan ang Aklan, Antique, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan at Zambales.