PAMPANGA - Pitong pinaghihinalaang sangkot sa illegal online cockfighting operation o e-sabong ang inaresto ng pulisya sa Arayat nitong Miyerkules.

Ang mga dinampot ay kinilala ng mga awtoridad na sina Larry Lulu; Reyner David; Reymart Quiambao; Michael Lulu; Rowel Lusung; Lester Lulu; at Berting Lulu.

Sa police report, hindi na nakapalag ng apat nang dakmain sila ng mga pulis habang nagsasabong umano online sa Barangay Telapayong nitong Setyembre 14.

Kumpiska sa apat ang ilang e-sabong paraphernalias, kabilang na ang C25Y Realme cellular phone, 49 inches TCL Andriod TV, at ₱33,000.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 (Anti-illegal Gambling Law) laban sa apat na nakapiit na sa Arayat Municipal Police Station.