Sabik na sabik na ang online personality na si Marlou Arizala o "Xander Ford" para sa kanilang magiging baby ng partner na si Gema Mago, ayon sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 9, 2022.

"This is my first time experience, hindi ko alam paano ako mag-uumpisa pero alam ko masaya ako kasi ito na siya, ilang months na lang malalaman na namin ang gender niya 🥺😭."

"…ngayon, pangalan na lang ang pag-iisipan namin. Excited na po ako," pahayag ni Xander Ford.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa isa pang Instagram post ay ipinagmalaki ni Xander ang kaniyang partner na si Gema at isinalaysay niya kung paano sila nagkakilala.

Naging daan umano ang palabas na "Kapuso Mo Jessica Soho" kung bakit sila nagkakilala ni Gema. Aniya, inistalk daw niya ito matapos niyang mapanood ang episode tungkol sa human doll. Takot daw si Xander sa human doll.

Pero maganda naman daw pala si Gema kaya naman nagka-chat sila at nagkapalagayang-loob. Niligawan daw niya ito at sinagot naman siya. Ngayon, dalawang taon na umano ang kanilang relasyon.

Unang nalaman ng publiko na magiging daddy na si Xander dahil sa kaniyang "boss" na si Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/">https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/

Pagkatapos nito, mismong si Gema Mago ang nag-flex sa kaniyang social media account na buntis na siya at si Xander ang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/10/partner-ni-xander-ford-ipinagmalaki-ang-pagbubuntis-may-pakiusap-sa-bashers/">https://balita.net.ph/2022/09/10/partner-ni-xander-ford-ipinagmalaki-ang-pagbubuntis-may-pakiusap-sa-bashers/