Pinabulaanan ni Senador JV Ejercito ang mga kumakalat na tsismis na siya umano ang tinutukoy sa mga blind item na isang politikong nakabuntis ng ibang babae, at hindi ang isang politikong napababalitang hiwalay na sa kaniyang celebrity misis.

Isang Twitter user ang tumawag sa atensyon ng senador at tahasang tinanong kung mananahimik na lamang ba siya sa kumakalat na isyu.

"Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag-settle sa nabuntis mong chief of staff? Lol," saad nito.

“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis," tugon naman ng senador.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/jvejercito/status/1569491144698101764?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1569491144698101764%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=file%3A%2F%2F%2FUsers%2Fhiteshchandwani%2FDownloads%2Ftwitter.html

Sa isa pang tweet, muling pinagdiinan ng senador ang maling balitang ito. Huwag daw sanang idamay ang mga nananahimik na indibidwal. Silang mga politiko ay sanay umano sa mga intriga kaya maawa naman daw sa kaniyang chief of staff.

"Hay naku this particular circle spreading fake news of a 'scandal' of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen."

"Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya."

"Kawawa naman sila."

"Be responsible."

https://twitter.com/jvejercito/status/1569506159895388160