Mukhang naalarma at nakarating sa kaalaman ng online personality na si "Pipay Kipay" ang paggamit sa kaniyang litrato bilang profile picture sa isang gay dating app.

Isang Twitter user ang nag-tag sa kaniya at ipinakita ang isang profile mula sa gay dating app na "Grindr" kung saan mukha niya ang nakabalandra.

May profile name itong "serbisan kita" at ang edad ay 18 anyos.

May nakalagay pa ritong "Not good looking so don't expect too much."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Stop using my photos!!!!" tila gigil na tweet ni Pipay.

https://twitter.com/pipaykipayy/status/1569760921861619713

Tila paglilinaw na rin ito mula sa online personality na hindi sa kaniya ang naturang account.

Ang Grindr ay isang location-based social networking at online dating application na laan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.