Tila nahihilig sa mamamahaling sasakyan si dating “Trudis Liit” child star Jillian Ward kasunod ng pinakabago nitong luxury car sa kaniyang pangalan.

Nitong Lunes, iflinex ng Kapuso star ang bagong “taping car” na handog sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

“Thank you Mama and Papa for my new taping car!” ani Jillian sa kaniyang Instagram story.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Jillian Ward/IG story

Isang BMW M-Sport lang naman ang panibagong sasakyan ng 17-anyos na aktres.

Matatandaan na nito lang Marso, hinangaan ng maraming netizens ang pagkakaroon ng young actress ng brand new Porsche sports car.

Basahin: Jillian, ibinida ang Porsche sports car; buradong FB post ni Xian Gaza, parinig sa kaniya? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Nobyembre 2021, ipinagmalaki rin Jillian ang kaniyang BMW na aniya’y katas ng kaniyang pinaghirapan sa showbiz.

Nabanggit din ni Jillian noon na may dalawa pa siyang kotse -- ang Ford pick-up truck at black taping van na pina-customize pa niya ng Hello-Kitty-themed interiors.

Kasalukuyang napapanuod si Jillian sa programang “Abot Kamay sa Pangarap” sa Afternoon Prime sa GMA.