Isang shirtless mirror selfie ni Kapuso hunk Benjamin Alves ang nagpawindang sa netizens kamakailan dahilan para tila ma-spam ang aktor ng komento mula sa isang viral meme.

Batak na batak sa kanyang six-pack abs si Benjamin habang naka-pose sa isang mirror selfie noong Linggo, Setyembre 11.

“Bardagulan,” mababasa sa caption ng aktor sa kaniyang Facebook photo.

Hindi naman ready ang followers ng aktor na ikinawindang ang pagka-hot na larawan nito.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Inulan pa ito ng komentong “Titikman” na hango sa isang viral video online ukol sa aktor.

Samantala, kumirpirmado nang bibida sa isang international film ang Kapuso actor matapos ibahagi sa kaniyang verified Facebook account ang isang item ng fan page na “Kapuso Forever” nitong Lunes.

Ang proyekto ay may titulong “Relive.” Wala pang karagdagang detalye ukol sa pelikula.

Excited na ngayon pa lang ang fans ng aktor para sa panibago nitong milestone sa kaniyang showbiz career.