NUEVA VIZCAYA -- Inaresto ang isang 19-anyos na lalaki sa Solano, nitong lalawigan dahil sa panggagahasa umano sa sarili niyang tiyahin.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO) 02 ang suspek na si Jester John Bibay, out-of-school youth at residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Solano Police Station sa kanilang follow-up operation matapos ang napaulat na panggagahasa sa isang 28-anyos na babae mula sa Brgy. Baresbes, Quezon, Isabela.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa biktima, noong Setyembre 12, sa kanilang bahay sa Baresbes, Quezon, Isabela nang magising siya nang maramdamang nasa ibabaw niya ang suspek at inabuso siya.

Matapos isagawa ang panghahalay ay agad na tumakas ang suspek.

Nabatid na bago ang insidente ng panggagahasa, nakikipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kaanak sa lugar.

Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa si Bibay at kasalukuyang nasa kustodiya ng Solana Police Station.