Inaasahang papasok sa bansa ang ika-10 bagyo ngayong 2022 na huling namataan malapit sa dulong Northern Luzon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng paigtingin ng naturang bagyo (international name 'Nanmadol') ang southwest monsoon o habagat ngayong linggo.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng dulong northern Luzon o 1,910 kilometro mula sa nabanggit na lugar.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng pumasok sa bansa ang bagyo sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Once it enters PAR, it could intensify and reach the typhoon category. It is forecast to remain far from the landmass, and will not have a direct effect on any part of the country," banggit ni weather specialist Grace Castañeda ng PAGASA.

Tatagawing 'Josie' ang bagyo kapag nakapasok na sa Pilipinas at patitindihin nito ang habagat na magpapaulan sa kanluran ng Southern Luzon at Visayas sa susunod na 24 oras, ayon pa kay Castañeda.

Binalaan din ng PAGASA ang publiko sa posibleng flash flood at landslide sa mga natukoy na lugar.

PNA