Usap-usapan ngayon ang segment na "Maritest" ng noontime show na "Tropang LOL" dahil sa isang tanong nito patungkol sa kontrobersyal na isyu noon sa pagitan nina Ariel Rivera, Gelli De Belen, at Regine Velasquez-Alcasid.

"Naging mag-jowa sina Ariel Rivera at Gelli De Belen nung 90s---pero nag-break sila for a while dahil raw sa third party na…sino?"

Ang mga pamimilian ay sina A. Agot Isidro, B. Lea Salonga, C. Regine Velasquez, at D. Jean Garcia.

Tila hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang naturang tanong dahil bakit daw kailangan pang ungkatin ang nakaraan gayong nagkaayos na sila. Masyado raw itong insensitive.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ganito ka-problematic ang LOL. Taga-ingay at tagahukay ng issue. Kadiri itong show na 'to".

"ThisShowIsDisgusting! Bringing up sensitive issues and when it gets viral, they are the first ones claiming that they are the Victim. The host, the director, the scriptwriter and especially the show must be canceled!"

"Jusko bakit ayaw pa kasing shunggalin itong show na ito? Matagal na iyang issue na iyan at tinuldukan na iyan nina Ate Reg at Gelli."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-netizen-bad-trip-sa-isang-tanong-sa-maritest-segment-ng-tropang-lol/">https://balita.net.ph/2022/09/14/mga-netizen-bad-trip-sa-isang-tanong-sa-maritest-segment-ng-tropang-lol/

Nag-react naman dito ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap, lalo't naging kontrobersyal ang naging pahayag ng isa sa mga cast member nitong si Ella Cruz, patungkol sa "History is like tsismis", na pinag-ugatan ng iba't ibang diskusyunan at bardagulan sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

"HAHAHA! History o Tsismis," caption ni Yap sa pag-share niya ng showbiz news mula sa isang entertainment site.

Matatandaang pinag-usapan din ng mga netizen ang tungkol naman sa Super Junior na nakarating pa at naibalita sa SBS News.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/">https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/canceltropanglol-muling-nag-trending-dahil-sa-isyu-ng-pagiging-insensitive-naibalita-pa-sa-korea/">https://balita.net.ph/2022/08/20/canceltropanglol-muling-nag-trending-dahil-sa-isyu-ng-pagiging-insensitive-naibalita-pa-sa-korea/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan at host ng Tropang LOL, o maging sina Ariel Rivera, Gelli De Belen, at Regine Velasquez tungkol dito.