Ipinagdiwang kamakailan ng negosyanteng si Sam Verzosa ang kaniyang kaarawan nitong Lunes, Setyembre 12, at highlight sa kaniyang selebrasyon ang ibinahaging P5 milyon sa ilang charitable foundation.

Ito ang iflinex ng Frontrow Enterprise CEO and President sa kaniyang Instaram nitong Martes kasunod ng kaniyang enggrandeng selebrasyon noong Sabado sa Okada Manila.

“This night is for the real heroes of this generation, the men n women behind each of these charities and organizations who make it their duty and purpose to help, inspire and change people’s lives✨” mababasa sa Instagram caption ni Sam Verzosa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Limang milyong pisong halaga ng donasyon ang ipinagkaloob ng negosyante sa Anawin, He Cares, Jeremiah at Batang Sampaloc Scholarship Foundation.

Bahagi rin sa donasyon ang Light of Jesus Prison Ministry, Smile Train, at Cottolengo Filipino.

Naging emosyonal si Sam sa naturang selebrasyon kung saan makikitang todo-suporta naman ang girlfriend na si Rhian.

Basahin: Rhian Ramos, Sam Verzoza, magkahawak-kamay sa isang gala night kamakailan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang hiwalay na Instagram post, sweet na binati ng Kapuso actress si Sam na kinakiligan ng mga kaibigang kapwa celebrities.

"Happy birthday Booboo, there's no one like you 🤍@samverzosa"