Hindi na raw magmo-motocross ang "It's Showtime" host at partner ni Unkabogable Star Vice Ganda na si Ion Perez, ayon sa kaniyang latest vlog uploaded noong Setyembre 11, 2022.

Bukod sa magastos, ayaw na niyang pakabahin pa ang kaniyang "misis" sa tuwing nagmo-motocross siya.

"Hindi na 'ko magmo-motocross… para sa katahimikan ng damdamin at puso ni Meme… bike na lang tayo ulit no, madlang pipol?" saad ni Ion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ion Perez (Screengrab mula sa YT Channel)

Nag-video call pa siya kay Vice upang ipaalam dito ang pagbili niya ng bike. Sa kasalukuyan, nakahihiligan ni Ion ang pagbibisikleta kasama ang iba pang mga siklista.

Sumang-ayon naman ang madlang pipol kay Ion.

"Ion lives his life to the fullest. That’s why he smiles with joy and peace. God bless Ion and Vice!"

"Sobrang ganda ng new bike mo idol…i ba ka talaga.. kapag nagustuhan mo isang bagay… buy mo talaga…deserved mo 'yan kasi naghard work ka naman at humble pa…"

"Buti na lang bike na lang ang hobby mo Ion… delikado kasi 'yong motocross… mapanatag pa ang kalooban ng asawa mo…"