Rumesbak ang talent manager at showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa natanggap na pambabash ni celebrity beauty doctor Vicky Belo kamakailan.

Sa isang Instagram post, ipinagtanggol ni Manay ang doktora na aniya’y “isa sa pinakamabait, generous, at very kind” na personalidad.

View this post on Instagram

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ito’y matapos makatanggap ng ilang negatibong komento si si Dr. Vicky dahil sa kaniyang pag-a-ala-Blackpink sa isang Instagram video kamakailan.

Todo-suporta naman, gayunpaman, ang asawang si Hayden Kho, mga kaibigan at alaga ng showbiz doctor sa pasabog nitong pag-awra online. Age is just a number, ikanga!

“Isa siya sa pinaka espected, competent at very reliable cosmetic doctor. Igalang natin anuman ang ginagawa niya at gustong gawin. Whatever decision ang gusto niya, karapatan niya iyon, kanyang desisyon iyon. Napaka charitable ni Dra. Belo para hindi matanggap ng marami kung anuman iyon gusto niya para naman sa sarili niya,” saad Manay.

“Gusto niya maging Kpop, go, gusto niya mag Tiktok, go. Puwede niya gawin lahat , karapatan niya iyon. Dra Vicki Belo is Dra Vicki Belo. Walang puwede sumira ng reputation niya as one of the best cosmetic doctor, iyon mga ginagawa niya for charity , iyon generosity niya sa mga nagwo work sa kanya,” dagdag ng talent manager.

Dahil umano madaling lapitan ang doktora, “unfair kung huhusgahan siya dahil lang sa mga ginagawa niya ngayon na para lang mapasaya ang sarili niya.”

Paghihikayat naman ni Manay Lolit kay Dr. Vicky: “Huwag ka paapekto sa opinyon ng iba. Basta para sa amin, isa kang mabait at mapagbigay na tao. Worth loving at karapat dapat igalang. Salute dra Vicki Belo, all our love!💕”