Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong 'Inday' ngayong Martes, Setyembre 13.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumabagal na ang bagyo habang kumikilos pa-hilaga at maaaring nasa labas na ng Pilipinas sa susunod na anim na oras.

Ngayong umaga o hapon, inaasahang nasa East China Sea na o labas na ng bansa ang bagyo na unti-unti nang  bumibilis.

Huling namataan ang bagyo 515 kilometro ng hilaga hilagang silangan ng Itbayat, Batanes., taglay ang hanging 140 kilometer per hour (kph) at7 bugsong hanggang 170 kph.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pagdidiin pa ng PAGASA, apektado ng malakas na hangin ang mga lugar na saklaw ng 300 kilometro mula sa mata ng bagyo.