Matapos maging calendar girl para sa isang brand ng alak noong 2020, aminado ang aktres na si Barbie Imperial na mas dumami at hindi siya nakaligtas sa mga “imbitasyon” ng ilang aniya’y “sugar daddy.”

Ito ang bahagi ng tell-all vlog ni Barbie sa YouTube habang pinapabulaanan ang chismis na hindi siya kailanman naging kabit ng isang politiko.

“My God, sino? Sana wala akong bayarin dito sa bahay. Actually, feeling ko naman as an artista, ‘di mo talaga maiiwasan na masabihan na kabit ka ni ganito ganiyan. Yung mga sugar daddy,” ani Barbie.

“Actually nong nag-Tanduay ako. Simula nung nag-calendar girl ako for Tanduay, andami talagang nagsasabi sa’kin, ‘Oy gusto kang maka-dinner ni ganito ganiyan. Gusto ka daw ilabas, dalhin sa ibang bansa, shopping, ganiyan.’ Pero, for me, no talaga. Parang okay, hindi kasi ako yung super materialistic na tao na mabibili ng ganitong gamit, ng mamahalin, ng pera,” dagdag ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaang noong 2020, sumunod sa yapak nina Ellen Adarna at Erich Gonzales ang young actress bilang calendar girl ng naturang brand.

Anang aktres, mas gugustuhin niyang paghirapan ang makukuhang mga bagay.

“Parang mas masarap sa feeling na pinag-iipunan mo kung anong meron ka ngayon. Parang ang sarap na pinaghihirapan mo kasi mas lalo mong gugustuhin. Feeling ko kasi, if madali kong makukuha yung mga bagay, parang tatamarin na ako sa life and factor din na probinsyana yung mama ko so nakakahiya if gagawin ko yun,” ani Barbie na lumaki sa isang konserbatibong pamilya.

Kahit umano sa mga kissing scenes ay ‘di pa lubos na komportable ang kaniyang pamilya na panuorin siya sa mga palabas.

“So, hindi. Hindi ako kabit. Bakit ba lagi niyo akong ginagawang kabit ng mga tao?” pagbubuod ng aktres sa intriga.

Nauna nang pinabulaanan din ni Barbie ang umano’y “fuck buddy” na relasyon nila noon ni JM De Guzman kung saan sinabi niyang “minahal” nita noon ang aktor.

Basahin: ‘May emotions naman’: Barbie Imperial, itinangging ‘fubu’ lang sila noon ni JM De Guzman – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid