Tahasang sinabi ng online personality na si Zeinab Harake na hangga't maaari, ayaw niyang ipasama o maugnay ang anak na si Baby Bia sa ama nito at dating karelasyong si Daryl Ruiz o "Skusta Clee" matapos ang on and off nilang relasyon, na tuluyan na ring nagwakas.

Sey ni Zeinab sa naganap na media conference para sa launching niya bilang bagong ambassador ng oral-care products ng isang beauty brand, hindi siya bukas sa ideya na co-parenting sila ni Skusta kay Baby Bia. Kaya naman daw niyang palakihin ang anak, at tila may pahaging na wala siyang tiwala sa ama ng kaniyang anak.

Naniniwala si Zeinab na kaya naman niyang gampanan ang tungkulin bilang ina at ama para kay Bia.

"Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon," direkta at walang kiyemeng pahayag ng social media personality.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

"Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kaniya," dagdag pa ni Zeinab na kamakailan lamang ay umaming in a relationship na ulit.

Sa ngayon daw ay wala na silang komunikasyon ni Skusta.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Skusta Clee tungkol sa mga binitiwang salita ni Zeinab.