Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang umano'y kamukha ng award-winning GMA news anchor na si Jessica Soho, na hindi natukoy ang pagkakakilanlan, at naitampok pa ng sikat na social media page na "Senyora".

"Sagot ko na DNA test. We love you Mareng Jessica, kami na ang bahala. Dami mo na kambal na natulungan sa KMJS. Kami naman ang babawi sa'yo," kuwelang caption ni Senyora kalakip ang litrato ng umano'y kamukha niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/diumanoy-mga-kamukha-ni-jessica-soho-namataan/">https://balita.net.ph/2022/09/06/diumanoy-mga-kamukha-ni-jessica-soho-namataan/

Sa comment section, isa pang kahawig ni Ma'am Jessica ang ibinahagi niya; sa pagkakataong ito ay naka-face mask naman ito. Batay sa litrato, mukhang nasa bingohan ang naturang babae.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Diumano’y namumuro na sa O," pabirong hirit ni Senyora.

Pero hindi ito ang unang beses na namataan ang "kakambal" ng award-winning journalist. Sa kaniyang KMJS, nakaharap niya mismo ang kahawig niyang isang Koreana, noong 2021. Ito ay si Korean vocal coach "Jo A Young" mula sa idol survival show na "Girls Planet 999."

Anyway, marahil ay nakarating na ito sa kabatiran ng KMJS team at ipinahanap na ang "kambal ni Mareng Jess". Kaya sa latest episode ng award-winning magazine show ay nagkita na ang dalawa!

Nag-viral na tindera mula Bato, Camarines Sur, na diumano, kalook-alike ko?" entrada ng pinagpipitaganang news anchor.

At nito ngang Linggo ay tuluyan nang nagkaharap ang dalawa. Hindi raw makapaniwala ang ale nang mag-viral ang kaniyang litrato sa social media, dahil noong mga panahong iyon ay nagtitinda lamang siya ng isda at tahimik na nakaupo habang nag-aabang ng suki.

Nakilala ang naturang babae na si Julia "Julie" Buena.

Kung alam lang daw sana ni Aling Julie na magba-viral siya, sana raw ay nakapagpaganda pa siya.

Noon pa man ay marami nang nagsasabing kamukha niya si Jessica Soho. Biro pa nga raw ng mga kapitbahay niya, mula Lunes hanggang Sabado ay nagtitinda siya ng isda, subalit kapag Linggo na, sa TV naman siya rumaratsada!

May mga bata pa nga raw na lumalapit sa kaniya at nagtatanong kung kaano-ano niya ang "babaeng nakikita sa TV". Pabirong sumasagot na lamang si Aling Julie na kambal niya ito.