Tawang-tawa ang maraming netizens dahil sa ngayo’y viral performance ng komedyanteng si Ruffa Mae Quinto kasama ang dalawang young singers ng GMA na sina Thea Astley at Mariane Osabel.

Nagbabalik Kapuso si Ruffa kamakailan kaya naman pasabog na segment sa Sunday musical variety show na “All-Out Sundays” ang ibinigay agad ng komedyana sa mga Kapuso.

Kasama sina The Clash alumnus Thea Astley at The Clash champion Mariane Osabel kinanta ng tatlo ang mga sikat na awiting “Where Do Broken Hearts Go,” Wake Me Up Before You Go,” at “Let It Go.”

Ang twist, ipasok sa mga kanta ang sikat na linya ng komedyanang “Go, Go, Go!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kinaaliwan ng maraming netizens at agad na nag-viral ang performances ng tatlo sa magkahiwalay na post sa Facebook public community page na “Main Pop Girls Stanposting.”

Game na game naman itong shinare pa ni Mariane sa kaniyang verified Facebook account.

Panuorin ang nakakaaliw na segment dito: