Hindi napigilang muling maging emosyonal ni Fearless Diva Jona Viray sa set ng “Sing Galing” kamakailan nang pasalamatan niya ang yumaong ama na naging numero unong tagasuporta sa kaniyang career.

“Gusto kong i-take yong opportunity na ‘to para pasalamatan yong mga talagang nag-support at naniwala sa akin,” pagsisimula ni Jona.

Dito sunod ibinahagi ng singer ang mga sakripisyo ng ama bilang isang single parent.

“Yung father ko, kahit wala na siya pero naalala ko lahat yong mga suporta na binigay niya sa akin kasi single parent ‘din siya. Tinaguyod niya yong pamilya naming nang mag-isa. Alam kong napahirap ng ginawa niya kasi sobrang hirap na iwanan kaming magkakapatid sa Tatay. Habang nagtatrabaho siya kailangan niya kaming provide-an ng pangangailangan naming, mapag-aral kami, mabuhay kaming lahat, naitaguyod niya ‘yon,” saad ni Jona.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

Dito sunod na binalikan ng emosyonal na singer ang huling mga salita ng kaniyang ama bago ito pumanaw.

“Ni hindi man siya perfect na ama para sa amin. ‘Yong last message niya sa akin bago siya mag-pass away, humihingi siya ng kapatawaran sa lahat ng mga naging kasalanan niya daw, kung hindi man siya naging perpektong ama para sa amin. Pero sobrang nagpapasalamat ako kahit ano pa man ang nangyari sa family namin dahil minahal niya talaga kami,” dagdag ni Jona.

Halos limang taon na nang pumanaw si Fernando Viray, ama ni Jona matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa sakit na stroke at rhino mucormycosis, isang bihirang impeksyon sa ulo, mula 2016 hanggang 2017.

Mula noon, hindi na nawala sa alaala ng singer ang ama na inaalala niya sa tuwing birthday, Father’s Day at mga espesyal na okasyon.

Basahin: Basahin: Makabagbag-damdaming kanta ni Jona para sa yumaong ama nitong Father’s Day, umantig sa netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hanggang ngayon, aminado ang singer na miss na miss pa rin niya ang kaniyang Daddy.

“Miss ko na yung mga masarap niyong luto, yung mga ngiti at tawa niyo, yung bumabagal na driving habang may kinekwento, most especially yung mga comforting and encouraging words and prayers niyo when i go thru life's challenges at yung napakapositibo niyong spirit, having Jesus, eternal perpective sa buhay,” ani Jona sa kaniyang Instagram post, Lunes.

Nagpaabot naman ng mahigpit na virtual yakap ang ilang fans sa singer.

Maging ang kaibigan na si Kapuso comediane Boobay ay nakisimpatyarin sa pagbabalik-tanaw ng singer sa alaala ng ama.

Si Jona na nakilala rin bilang Jonalyn Viray ang kauna-unahang grand winner sa singing competition ng GMA na “Pinoy Pop Superstar.”