Ibinahagi ng kontrobersyal na aktres na si Ella Cruz na mapapanood siya sa pagbubukas ng ALLTV, ang pangalan ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na magsisimula na ang pilot airing bukas, Setyembre 13 ng tanghali.

"Rehearsal done for next week's ganap! 💚🧡❤️ #ambs #alltv 🥳🎉," ani Ella sa caption ng kaniyang social media posts.

View this post on Instagram

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨🪬 (@ellacruz)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi naman nabanggit ni Ella kung may kontrata na rin siya sa ALLTV kagaya nina Willie Revillame, Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, Anthony Taberna, at Marie Rodriguez.

Hindi rin tinukoy ni Ella kung saang programa siya mapapanood.

Matatandaang naging kontrobersyal si Ella dahil sa kaniyang pagkukumpara sa history at tsismis na nagdulot ng iba't ibang mga diskusyon, reaksiyon, opinyon, at pagtatalo-talo ng mga netizen, maging ang mga historyador gaya nina Ambeth Ocampo at Xiao Chua.