Hindi nakaligtas sa aktres na si Agot Isidro ang panlalait ng isang basher matapos nitong magkomentong "funeraria look" daw ang ibinahagi niyang black and white photo sa kaniyang tweet, na may caption na "So sino ang tataasan natin ng kilay today?"

https://twitter.com/agot_isidro/status/1568475595016904704

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngunit isang basher ang tila bet basagin ang trip ni Agot dahil nagkomento itong kaya raw ginawang black and white ng aktres ang litrato ay upang hindi mahalatang pang-funeraria look na siya. Kadalasan, ginagamit ang black and white na litrato kapag yumao na ang isang personalidad.

"Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look," banat ng basher, na batay sa profile nito, ay tagasuporta ng UniTeam noong nagdaang halalan.

Cool namang sinupalpal ni Agot ang naturang basher sa pamamagitan ng pagpapakita ng parehong litrato subalit sa pagkakataong ito ay hindi na black and white.

"Gagu."

"Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. In full color."

"Kasi ang idea n'yo ng gwapo ay si S*******s."

https://twitter.com/agot_isidro/status/1568513466687946757

Marami naman sa mga netizen ang rumesbak para kay Agot laban sa basher.

"Haha naka-mask pero alam mong chararat."

"Ayos ah. Unang tingin ko sa name is B*** pangit. Infairness, it suits you well."

"Wow, ikaw yata ang funeraria look, black and white din ang profile pic hahaha."