Muli na ngang nagbabalik-showbiz ang TV host na misis ni Senador Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, matapos ang pansamantalang pamamahinga matapos magsilang ng anak at tutukan ang pagiging momshie.

Ngunit hindi sa ABS-CBN nagbabalik si Mariel kundi sa bagong TV network na "ALLTV" ng Advanced Media Broadcasting System o AMBS 2 na pagmamay-ari ng dating senador at business tycoon na si Manny Villar.

Inilarawan pa ni Mariel na "easiest decision" na ginawa niya sa tanang buhay niya ang pagpirma ng kontrata sa "Kababayan" Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/09/mariel-padilla-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv-the-easiest-decision-i-have-ever-made/">https://balita.net.ph/2022/09/09/mariel-padilla-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv-the-easiest-decision-i-have-ever-made/

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kumpirmadong makakasama niya rito sina Willie Revillame, Anthony Taberna, at ang dating co-host sa reality show na "Pinoy Big Brother" (PBB) na si Toni Gonzaga-Soriano.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/07/ka-tunying-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv/">https://balita.net.ph/2022/09/07/ka-tunying-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv/

Matatandaang nagkaroon ng haka-hakang posibleng magsama-sama sila sa isang morning show nina Toni at dating "Magandang Buhay" momshie host Karla Estrada nang maispatan silang magkakasama sa isang dinner.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/31/toni-mariel-at-karla-nagkita-kita-magiging-hosts-daw-ng-talk-show-sa-ambs/">https://balita.net.ph/2022/08/31/toni-mariel-at-karla-nagkita-kita-magiging-hosts-daw-ng-talk-show-sa-ambs/

Makalipas ang ilang araw ay pumutok na nga ang balita ng pagpirma sa AMBS 2 nina Toni at mister na si Direk Paul Soriano. Ilang linggo lamang, si Mariel naman ang sumunod na pumirma.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/02/toni-gonzaga-pumirma-na-ng-kontrata-sa-ambs-im-so-happy-to-be-part-of-your-family/">https://balita.net.ph/2022/09/02/toni-gonzaga-pumirma-na-ng-kontrata-sa-ambs-im-so-happy-to-be-part-of-your-family/

Sa kaniyang latest Instagram post, ibinahagi ni Mariel ang kaniyang stunning photos na kinomentuhan naman ni Toni ng "She's back!"

Nag-react naman dito si Mariel sa pamamagitan ng emoticon na praying hands.

Nag-react din dito ang dating co-host ni Mariel sa noontime show na "It's Showtime" na si Tyang Amy Perez.

Napansin naman ng mga netizen na nag-react din dito ang co-host nina Toni at Mariel sa PBB, na si Bianca Gonzalez, na siya nang main host nito matapos i-endorso ni Toni.

"Glowing!!!!" ani Bianca.

Kapansin-pansing wala pang reaksiyon si Mariel sa naging komento nito.

Marami ang nagtatanong na netizen kung in good terms pa ba ang "Kuya's Angels" na nagkaroon ng magkaibang panig at paniniwala noong nagdaang halalan?

Matatandaang si Bianca ay Kakampink habang sina Toni at Mariel naman ay nasa panig ng UniTeam.

Anyway, hindi pa sigurado at kumpirmado kung ano-anong mga proyekto ang gagawin nina Toni at Mariel sa ALLTV. Sa Setyembre 13, i-aanunsyo ni Willie Revillame kung sino-sino pa ang mga dating Kapamilya, Kapuso, at Kapatid na mapapabilang sa kanilang bagong tahanan at tatawaging "Kababayan".