Magtatanghal sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas si ‘Never Enough’ singer Loren Allred kasama ang naglalakihang Pinoy artists kabilang ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa homecoming concert ng award-winning Filipino-American producer na si Troy Laureta.

Two-night concert sa darating na Setyembre 30 at Oktubre 1 ang handog ni Troy tampok ang ilang international artists kasama ang sikat na American singer-songwriter na si Lauren.

Makakasama rin ni Loren sa nasabing concert sina Cheesa Laureta at Matt Bloyd.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Tampok din sa musical homecoming ni Troy ang mag-asawang Regine at Ogie, at ang vocal champs na sina Jona Viray at Jed Madela, bukod sa iba pa.

Excited naman ang fans na ma-meet na sa wakas ni Loren si Regine na nagbigay din ng isang hit interpretation sa classic nitong “Araw Gabi” noong 2021.

Basahin: ‘Never Enough’ singer na si Loren Allred, ni-record ang anong kanta ni Regine Velasquez? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang naging finalist din si Lauren sa pinakahuling edition ng “Britain's Got Talent” noong Hunyo.

Sa New Port Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay, gaganapin ang concert ni Troy sa bansa.